-- Advertisements --

Nasorpresa umano ang ilang mga basketball analyst na maagang pag-alok ng Miami Heat sa kontrata para sa All-Star center na si Bam Adebayo.

Ito ay makaraang lumutang ngayon ang balakin ng Miami na 5-year extension kay Adebayo na nagkakahalaga sa pagitan ng $163 million hanggang $196 million.

Ayon sa ilang tagamasid, kung tutuusin pwede naman daw gawin ito ng Miami sa susunod na taon pa.

Bam Adebayo

Pero ang alok na maximum contract ay nagpapakita lamang kung gaano kahalaga si Adebadyo sa kampanya ng koponan.

Sinasabing malaking investment daw ang nakataya kay Abedayo na lalo itong gumaling at naging bahagi sa pag-usad ng team patungo championship noong nakaraang season.

Ang extension contract kay Adebayo ay taliwas naman sa nangyari sa kanyang mga teammates na sina Jae Crowder at Derrick Jones Jr. na tuluyang pinakawalan ng Miami sa free agency.