-- Advertisements --
Mahigit doble ang itinaas ng alokasyon sa Department of Transportation (DOTr) para sa susunod na taon.
Sa budget briefing ng DOTr sa House appropriations committee nitong araw, sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na tumaas ng 112.29 percent ang kanilang pondo para sa taong 2020 kumpara sa P69.255 billion allocation ngayong 2019.
Ang DOTr ay humihingi ng P147 billion na budget para sa susunod na taon, kung saan pinakamalaking bahagi nito ay ilalaan sa capital outlays (P116.550 billion).
Samantala, P100.6 billion naman ang pondo para sa pagtayo, rehabilitasyon at upgrade ng mga railways sa bansa.