Inaasahang aabot sa mahigit P1.034 trillion ang alokasyong pondo ng mga lokal na pamahalaan sa 2025 ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay mas mataas ng 18% kumpara sa P871.37 billion pondo ng LGUs para ngayong taon.
Ang naturang pondo ay magmumula sa national tax allotment (NTA) na kinalkula base sa kita sa buwis na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, at iba pang kaugnay na ahensiya na kumakatawan sa 40% ng kabuuang revenue ng gobyerno noong 2022.
Ayon sa DBM, nasa kabuuang 43,622 LGUs sa bansa ang magbebenipisyo mula sa distribusyon ng National Tax Allotment.
Samantala, obligado ang mga LGUs na gamitin ang nasabing pondo para sa gender and development, senior citizens, persons with disabilities, HIV/AIDS prevention, at children’s welfare sa kanilang 2025 budgets.
Gayundin dapat na maglaan ang mga barangay ng 10% ng kanilang kabuuang pondo para suportahan ang SK council.