-- Advertisements --

Inilunsad ng Pasig City Government ang Alternative Learning System (ALS) program.

Katuwang ng Department of Education (DepEd), Pasig Schools District Office (SDO) at Buting Senior High School ay inilunsad ang nasabing programa.

Aabot sa 81 ng mga mag-aaral ang makikinabang sa nasabing ALS Program ng Pasig City.

Saklaw ng nasabing program ang kahandaan sa paghahanap ng trabaho, pagkakaroon ng negosyo at ang tertiary education.

Ayon sa DepEd na ang ALS ay sistema na magbibigay ng non-formal education at practical skills bilang alternatibo para sa mga walang access sa formal education at yung hindi nakapagtalpos ng kanilang pormal education.