KORONADAL CITY- Naghahanap na sa ngayon ng temporary learning spaces ang Department of Education o DEPED 12 matapos na maaepktuhan ng lindol ang maraming paraalan sa rehiyon.
Ito ang ipinahayag ni DEPED 12 Regional Director Dr. Allan Farnazo sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Farnazo, inaasikaso na nila ang mga posibleng lugar na pagtatayuan ng mga tents na syang gagamiting temporary classroom ng mga estudyante upang maipagpatuloy pa rin ng mga ito ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga nararanasang kalamidad.
Maliban dito, sinuspende din ang klase sa ilang lugar sa SOCKSARGEN Region kabilang na ang ilang bayan sa North Cotabato at Koronadal City upang bigyang daan ang pagsasagawa ng inspection at assessment sa mga school buildings.
Ito ay upang masiguro na ligtas ang mga mag-aaral sa muling pagbalik ng klase.
Sa ngayon, ipinasiguro ng tulong nagtutulungan ang bawat guro sa rehiyon upang mabigyan ng wastong edukasyon ang mga kabataan sa gitna ng lindol.
Napag-alaman na nasa 269 ang kabuungan paaralan na totally damaged matapos ang sunod sunod na pagyanig sa Mindanao.