LAS VEGAS – Isinagawa na ang final press conference sa inaabangang Canelo “Saul” Alvarez kontra Sergey “Krusher” Kovalev na gaganapin sa ika-2 ng Nobyembre (Nov 3. PH time) para sa WBO light heavyweight world title. Mapapanood din ang laban via DAZN.
Malaking respeto ang ibinigay ng bawat boksingero sa isa’t isa.
Nang tanungin si Canelo kung bakit si Kovalev ang kanyang napiling katunggali, anya’ nito, “he’s the best in his division, he’s one of the best, that’s why we chose him, to make history by fighting one of the best.”
Ayon kay Eddy Reynoso, ang head trainer at manager ni Canelo, handa na silang ipakita ang kanilang plano sa darating na laban upang manalo kay Kovalev. Mataas ang kanilang paghanga kay Kovalev ngunit handa na si Canelo na iuwi ang titulo, dagdag pa nito.
Papuri rin ang binigay ni Kovalev kay Canelo sa pagsasabing “I’m sure this fight is going to be very interesting and very difficult for both of us because we never step back, [we] never give up.”
May inihanda ring plano si Kovalev at handa na rin nitong depensahan ang kanyang titulo kontra sa Meksikanong boksingero.
Sa kasalukuyan, ito raw ang pinakamalaking laban ni Kovalev at wala naman siyang balak na patumbahin si Canelo.
Gayunman handa nitong ibigay ang magandang laban para sa mga manonood.
Sa kasalukuyan, hindi pa napapatumba si Canelo na mayroonng 52 na panalo, 35 dito ay knockout, isang talo, at dalawang draw.
Samantalang si Kovalev ay mayroong 34 wins, 29 via knockouts at tatlo palang ang talo at isang draw.