-- Advertisements --

Nagharap kanina sa final press conference sina Mexican superstar at unified WBA/WBC/WBO super middleweight world champion Canelo Alvarez at undefeated IBF super middleweight world champion Caleb “Sweethands” Plant sa Las Vegas, Nevada.

Gayunman sa pagkakataong ito hindi na pinag-faceoff ang dalawang mahigpit na magkaribal upang maiwasan na maulit ang nangyaring riot noong Setyembre sa unang press conference.

Tinawag na historic showdown ang magaganap sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sinuman ang mananalo sa dalawang kampeon ay gagawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang undisputed super middleweight champion.

Ibig sabihin, hahakutin niya lahat ang nakataya na apat na championship belts.

Tatlong korona ang nakataya kay Canelo habang nakapusta naman kay Caleb ang IBF crown.