-- Advertisements --

Inanunsiyo ni number one pound-for-pound boxer Saul “Canelo” Alvarez ang nalalapit na laban niya.

Makakaharap nito si WBA super middleweight champion Callum Smith sa Disyembre 19 sa Texas.

Smith and Alvarez
Smith (R) and Alavrez (L) / IG post

Isasapinal pa sa mga susunod na araw ang venue ng nasabing laban.

Ito ang unang laban ni Alvarez mula noong Nobyembre 2019 nang talunin niya si Sergey Kovalev at nakuha ang WBO world light heavyweight title sa pamamagitan knockout sa 11th round.

Huling lumaban din si Smith ay noong Nobyembre 2019 kontra kay John Ryder sa Liverpool, England.

Hawak ang 53 panalo, isang talo at dalawang draw at may 36 knockouts record si Alvarez habang mayroong 27 panalo, walang talo at mayroong 19 knockouts si Smith.