Napanatili ni Mexican boxer Saul ‘Canelo’ Alvarez ang kaniyang unified super middleweight world title.
Ito ay matapos makuha ang unanimous decision sa paghaharap niya kay Edgar Berlanga sa Las Vegas, Nevada.
Pinabagsak ni Alvarez si Berlanga sa ikatlong round at mula noon ay pinaulanan niya ito ng mga suntok.
Sa ika-siyam na round ay muling pinatumba ni Alvarez ang Puerto Rican-American boxer.
Noong Hulyo ay tinanggalan si Alvarez ng kaniyang International Boxing Federation belt dahl sa hindi nito tinanggap ang laban kay Berlanga at sa halip at mas ninais na makalaban ang IBF mandatory challenger William Scull.
Mayroon ng 62 panalo, dalawang talo at dalawang draw na may 39 knockouts si Alvarez habang ang 27-anyos na si Berlanga ay mayroong 22 panalo at isang talo.