-- Advertisements --

Napanatili ni Saul “Canelo” Alvarez ang WBC at WBA super middleweight belt matapos patumbahin sa loob ng tatlong round si Avni Yildirim ng Turkey.

Sa unang round pa lamang ay sinamantala ni Alvarez ang pagiging underdog ng Turkish boxer kung saan napatumba pa niya ito sa canvas.

Nagawa pang tumayo si Yildirim subalit naging agresibo pa ang 30-anyos na Mexican boxer at tuluyang pinatumba sa ikatlong ang Turkish boxer.

Dahi sa panalo ay mayroon ng 55 panalo, isang talo, dalawang draw na mayroong 37 knockouts.

Matapos ang laban ay inanunsiyo ng promoter nitong si Eddie Hearn na target nilang makalaban si Billy Joe Saunders ng Britainya sa Mayo 8.