-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kinondena ng mga miyembro ng Alyansa ng mga Magsasaka sa Ilocos Norte ang mga batas na napirmahan na makakapekto sa sektor ng Agrikultura.
Kasabay ito ng pagsasagawa ng mahigit 100 na miyembro ng kilos-protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Mr. Rodrigo Limon, lider ng nasabing grupo, nais nilang tumaas ang presyo ng palay, mais at tabako dito sa lalawigan.
Isa pa aniya sa kanilang panawagan ay dapat ilaban nag soberenya ng Pilipinas at mapababa rin presyo ng abuno at petaba para rin sa kanilang pagsasaka.
Higit sa lahat aniya ay dapat mawala o maibasura ang Rice Tariffication Law at matapos na umano ang patayan na nangyayari sa bansa.