-- Advertisements --

Kinumpirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang pakikipulong sa grupo ni Sen. Manny Pacquiao.

Si Alvarez ay dating secretary general ng PDP-Laban ng Pangulong Rodrigo Duterte, pero ngayon siya na ang tumatayong chairman ng Partido Reporma kung saan tatakbo naman ang tambalang Lacson at Sotto.

Ang pulong ni Alvarez ay ginanap kahapon sa isang lugar kasama sina Ronwald Munsayac ng PDP-Laban wing ni Sen. Koko Pimentel, kasama rin si Gov. Edwin Jubahib, ng Davao del Norte kung saan kinatawan doon si Alvarez.

Si Munsayac ang tumatayong national executive director ng PDP Laban nina Pimentel.

Nagpahiwatig si Alvarez sa posibleng alyansa sa nalalapit na halalan sa grupo ni Pacquiao.

Samantala ang Partido Reporma ay kulang pa ng dalawang pangalan para makompleto ang 12 senatoriables, habang si Pacquiao ay hindi pa hayagang isinisiwalat ang kanyang plano kung tatakbo muli sa pagkasenador o sa mas mataas pang posisyon.