Inilarawan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na “rock solid” ang alyansa sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ito ay matapos ang pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kasabay ng anunsyo nito na pinalawak pa ang “base access” na magbigay-daan sa higit pa na presensya ng Washington sa bansa.
Tinawag din niya na parang “iron clad” o bakal ang pangako ng Estados Unidos sa seguridad ng Pilipinas.
Ang Washington aniya ang pinakamatandang kaalyado o ally ng Asya.
Ang pagbisita ng mataas na opisyal ng Estados Unidos ay matapos ang ilang mataas na antas na pagpupulong sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, kabilang ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris at pakikipag-ugnayan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden.
Kung maalala, umasim ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Washington ay umasim sa panahon ng Duterte administration dahil sa pakikipag-kaibigan nito sa China, na nagbabanta sa kapayapaan, seguridad, at kalayaan sa paglalayag sa mga trade-critical waters ng West Philippine Sea.
Ang pinakahuling pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay naglalayong simulan muli ang joint maritime patrols ng mainit na pinagtatalunang rehiyon at tugunan ang pagsalakay ng China.