Ibinunyag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) DGen. Alex Paul Monteagudo, na dismayado ang CPP-NPA sa grupo ni VP Leni Robredo, dahil hindi umano nakakuha ng pondo ang mga ito nuong kasagsagan ng kampanya.
Ito ay batay sa nakuha nilang intelligence information sa ground, layon lang naman kasi ng komunistang grupo na makakuha ng malaking pondo at makakuha ng suporta sa kanilang sariling kandidato.
” During the elections, there was this what we call tawag nila dun tactical alliance, its an alliance usually ginagawa ng CPP NPA, kahit di nila kasundo ang isang grupo makikipag alyansa sila para ma-accomplish nila ang kanilang objective during election, ang makakuha ng suporta para sa kanilang sariling kandidato, temporary siya during election period, it doesn’t mean they are forever bound by that alliance,” pahayag ni Monteagudo.
Sinabi ni Monteagudo, si VP Leni ay isang law abiding citizen.
Dagdag pa ni Monteagudo, na may mga grupo ang siyang nag-iinsist para suportahan ang kandidatura ni VP Leni sa pagka pangulo.
Dagdag pa ng NICA Director na kanila din nalaman na nadismaya ang NPA sa grupo ni VP Leni dahil hindi sila nabigyan ng kanilang hinihinging suporta.
Sinabi din Monteagudo nagpadala sila ng komunikasyon at binalaan si VP Leni kaugnay sa mga lumalapit sa kaniya na mga indibidwal na miyembro ng front organizations.