-- Advertisements --
joemel bikoy advincula

Submitted for resolution na ang kasong estafa na isinampa kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na umaming nasa likod ng mga serye ng Bikoy videos na nagdadawit sa Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Ito ay may kaugnayan sa kasong isinampa ni Arvin Valmores na siyang President CEO ng Ardeur World Marketing.

Ayon kay Valmores noong 2018, ginamit umano ng respondent sa ilalim ng kanyang business organization na Exodus Philippines 79 Marketing Advertising and Promotion Team ang logo ng Ardeur World Marketing Corporation sa isang beauty pageant sa Polangui, Albay na walang paalam.

Ginamit din ang kanilang corporate name at logo sa promotional activities nang walang authorization at consent ng korporasyon.

Sa ginanap na coronation night sa pageant ay hindi na umano nagpakita ang respondent at hindi rin binayaran ang mga organizers.

Dahil ayaw madungisan ng complainant ang kanilang korporasyon ay napilitan silang magbayad ng P304,422 para sa 28 katao na hindi nabayaran sa pag-organisa ng beauty pageant ni Advincula.


Personal ding nagtungo sa Department of Justice (DoJ) ang complainant na si Danrick Capuz na naging biktima ni alyas Bikoy sa pag-organisa ng isang pageant sa Albay.

received 325494248375272

Isang kaso ng estafa ang isinampa kay Advincula at mayroon itong 28 na testigo.

Naghain ng kanyang sinumpaang salaysay ang tumayong direktor ng beauty pageant na si Capus at idiniin nito si Advincula na siyang may pakana ng beauty pageant gamit ang Ardeur World Marketing.

Sa ikalawang pagkakataon naman, hindi sinipot ni alyas Bikoy ang naka-schedule na pagdinig ng DoJ panel of prosecutors sa kinakaharap nitong reklamong estafa.

May 28 nang simulan ng DoJ ang preliminary investigation sa kinakaharap na reklamong estafa ni Bikoy pero nauna na ring hindi nito sinipot ang nasabing hearing at wala ring ipinadalang abogado noon para kumatawan sa kanya sa imbestigasyon.