-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Alynna Velasquez, kasintahan ng yumaong singer na si Hajji Alejandro, ang kanyang naunang post tungkol sa hindi pagdalo sa wake ng kanyang boyfriend.

Ayon sa kanya, hindi niya sinisisi ang iba, kundi ang ang kanyang sinisi ay ang kanyang sarili at tinanggap na umano nito ang kanyang kapalaran.

‘I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate,’ paliwanag ni Velasquez sa kanyang social media post.

Hiniling din niya sa mga tao na huwag sisihin ang pamilya ni Hajji, at inamin niyang may mga pagkakataong siya rin ay nagkamali.

‘Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family. There are some members who respect me and those who hate my existence. It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize,’ dagdag pa nito sa post.

Inilahad ni Alynna na ang post ay sumunod sa isang maikling pag-uusap nila ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro, na nagpasalamat kay Alynna sa pagmamahal sa kanyang ama.

Matatandaan na pumanaw si Hajji Alejandro noong Abril 22 sa edad na 70, kung saan nagbigay tribute si Alynna sa social media ukol sa huling mga araw nila ng kasintahan.

‘My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time. Life is just so short,’ ani Alynna.

Sa isang video, ipinakita ni Alynna ang kanyang pagbisita sa star ni Hajji sa Eastwood Walk of Fame, at ipinaliwanag na hindi siya nakapunta sa wake dahil sa mga dahilan na wala siyang kontrol.