CEBU – Arestado ang isang ama at nahaharap sa 25 counts of rape sa Purok Tugas, Barangay Poblacion sa Liloan, Cebu.
Tinaguriang most wanted sa hilagang bayan ang akusado na si Christopher Danggoy, 40 taong gulang na isang mangingisda.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo News Team kay Major Ramil Morpos, hepe ng Liloan Police Station, na ang warrant of arrest para sa kasong incestuous rape ay inihain ng kanyang anak sa tulong ng kanyang tiya noong Hulyo 24.
Ibinunyag ni Morpos na ang akusado ay may dalawang anak, isang lalaki at isang babae, at ang kanyang asawa ay pumanaw noong 2019.
Sinasabing nagsimulang molestiyahin ng akusado ang kanyang anak noong ito ay 13 taong gulang o noong 2018 hanggang 2022.
Natuklasan ang pang-aabuso nang hindi na kinaya ng anak na babae at sinabi sa kanyang tiyahin ang tungkol sa kanyang pagsubok noong Hulyo.
Gayunman, itinanggi naman ng akusado na ginahasa ang kanyang anak ngunit inamin nitong hinawakan niya ang pribadong bahagi ng katawan ng kanyang anak.