-- Advertisements --

LA UNION – Sinampahan ng kasong qualified rape o RA 266 ang isang ama matapos nitong gahasain ang sarili nitong anak sa Barangay Bacsayan, San Juan, La Union.

Nakilala ang suspek na si Eduardo Torda, 39, residente ng Barangay Labting, San Juan, Ilocos Sur sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Jugde Reah Gallo ng Regional Trial Court Branch 10 ng San Fernando City, La Union ngayon buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Pol. Capt. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan Police, inaresto nila ang suspek matapos na magsumbong ang biktima sa ginawang panghahalay ng suspek.

Napag-alaman na noon pang buwan ng Abril ginagawa ng suspek ang kahalayan sa sarili nitong anak kung saan nasa abroad naman ang ina nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek kung saan walang piyansa ang isinampang kaso laban dito.