-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Dead on the spot ang padre de pamilya at isang anak habang dead on arrival naman sa pagamutan ang dalawa pang anak sa nangyaring banggaan sa Sitio Canibongan, Barangay Villahermosa, Polanco, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Romulo Yarag, ama; at magkakapatid na sina Hannah Abegail, 11-anyos; RD Israel, 7; at Princess Ruth Yarag.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Polanco-Philippine National Police, napag-alaman na lumagpas sa kabilang linya ang motorsiklong minamaneho ng nakakatandang Yarag lulan ang kanyang tatlong anak dahilan na bumangga ito sa kasalubong na sasakyan na minamaneho ng isang Candido Tormis.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawang anak nito habang nakaladkad naman ang ama at isa pang anak kaya agad na namatay.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang dalawang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng nakabanggang sports utility vehicle (SUV) para sa karagdagang imbestigasyon.