-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Itinuturing na mga notoryos na drug addicts ang limang suspek na gumahasa sa isang 14-anyos na menor de edad sa lungsod ng Tacurong.
Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Maganto, nahuli rin sa isang drug buy bust operation ang mga suspek matapos na inireport ng biktima ang panghahalay sa kanya.
Dagdag pa ni Maganto ang mga suspek ay sakit din ng ulo ng mga opisyal at mga kapitbahay nila sa kanilang barangay.
Maging ang mga kamag-anak ng biktima ay nananawagan na hindi na palabasin sa kulungan ang mga suspek.
Sa ngayon inihahanda na ang kasong rape at pagkakasangkot sa illegal na droga ang mga suspek.