BUTUAN CITY – Ipinag-utos ni Police Regional Office 13 Regional Director POLICE BRIGADIER GENERAL ROMEO M CARAMAT JR ang hot pursuit operation para sa mabilis na pag–aresto sa suspek sa brutal na pananaga sa Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.
Ang nasabing krimen ay kumitil sa buhay ng 23-anyos na si Johnny Avila Sequira at ang kaniyang eight-month-old na anak na babaye kung saan ang suspek ay kapatid rin ng biktima na nakilalang si Fred Avila Sequira, 33-anyos.
Ayon sa Mainit Municipal Police Station sa Surigao del Norte, ang suspect ay pinaniniwalaang may deperensiya sa utak lalo na’t kung hindi makakain sa tamang oras.
Ang biktimang si Johnny Sequira ay nagtamo ng sugat sa kaliwang pisngi at sa le-eg habang ang kaniyang anak ay wala nang ulo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na nakita sa witness ang suspek na umalis galing sa pamamahay ng biktima dala ang itak at bag, tumakbo ito patungong bukiring bahagi sa nasabing lugar. Daling binusisi ng saksi ang bahay sa mga biktima at nakita na lamang ang mga bangkay na nasa kusina.
Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang ginawang hot pursuit operation sa Mainit Municipal Police Station at 1st Surigao del Norte Mobile Force Company.