-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado ang isang ama matapos ginahasa ang sariling anak sa Brgy. Sebario, San Lorenzo, Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Andres Somes, hepe ng San Lorenzo Police Station, sinabi nito 33-anyos ang suspek at Most Wanted Person sa naturang bayan.

Ang biktima naman ay ang sampung taong gulang na bata na panganay sa kanyang tatlong anak na pawang menor de edad.

Ayon kay Somes, base sa pahayag ng biktima, apat na beses siyang ginahasa ng ama mula pa noong nakaraang taon.

Una na umanong na-file ang kaso noong unang nagsumbong ang bata, ngunit na-dismiss ang rape case dahil no-show sa hearing ang ina ng biktima.

Ayon sa hepe, inamin ng suspek ang krimen at ngayo’y nahaharap sa kasong four counts of rape at violation sa Section 5 ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.