-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sasampahan ng kasong incest rape ang amang gumahasa sa 17 anyos nitong anak sa isang bayan sa lalawigan ng Capiz.

Nabatid na ginawang sex slave ang dalagita ng sarili nitong ama na si alyas Oding, 40 anyos at isang drug surrenderer.

Paulit-ulit umanong ginahasa ang biktimang si alyas Inday sa kanilang bahay dahil nagtatrabaho ang ina nito sa ibang bansa at iniwan sa kaniyang ama kasama ang dalawa nitong mga kapatid na lalaki.

Ayon sa Women and Children Protection’s Desk, base sa kanilang pag-iimbestiga, elementarya pa lamang ang biktima nang una itong ginalaw ng suspek.

Nananatili namang at-large ang suspek at pinaghahanap na ng mga pulis.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kanilang tiyahin ang biktima kasama ang dalawa pa nitong mga kapatid.