-- Advertisements --
BAGUIO MAP
Baguio Map

BAGUIO CITY – Nahaharap sa reklamo ang isang ama sa Baguio City dahil sa umano’y pananakit nito sa kanyang sariling anak.

Ayon sa mga pulis, ang suspek na ama ay 26-anyos habang ang biktima ay anak nitong lalaki na apat na taong gulang lamang, kapwa residente ng Purok 1, Poliwes, Baguio City.

Batay sa salaysay ng lola ng biktima, nakita niya ang naghihilom na mga paso ng sigarilyo sa likod at nipple ng kanyang apo.

Tinanong umano nito kung paano nakuha ng kanyang apo ang mga paso at dito sinabi ng bata na gawa ng kanyang ama ang mga ito.

Napag-alaman sa bata na pinapaso ito ng kanyang ama sa pamamagitan ng sigarilyo dahil sa hindi tamang pagbilang nito ng numero.

Kaagad ipinasuri ng lola ang kanyang apo sa pagamutan at dito kinumpirma ng mga doktor na ang mga paso ay galing sa nasindihang sigarilyo.

Sinampahan na ang ama ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.