-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lulong sa pinagbabawal na droga ang amang pumatay sa sarili nitong anak sa Midsayap North Cotabato.

Galit na inihayag ng mga kapitbahay ng suspek na si Jesus Socito na gumagamit umano ito ng pinagbabawal na droga, basagulero at laging itong nasasangkot sa gulo sa kanilang lugar.

Sinabi ng isang alyas Dindo na kaibigan ng suspek na bago umano ito magtrabaho ay gumagamit ng shabu para lumakas ang kanyang katawan.

Napansin rin na wala sa tamang pag-iisip ang suspek at patawa-tawa lamang pagkatapos niyang patayin ang biktima.

Pati ang asawa ni Socito na si Mayet ay hindi makausap ng matino at paiba-iba ang sinasabi.

Hindi rin malinaw kung stepfather ng suspek ang biktima o sariling anak nito dahil paiba-iba ang karelasyon ng dati nitong kinakasama at kailangan pa ng DNA test.

Matatandaan na brutal na pinatay ng suspek ang biktima na si Jeanny Mae Rollan 17 anyos at grade 11 pupil kung saan hinampas ito ng palakol ,pinagtataga gamit ang matalim na itak at sinaksak gamit ang bara de cabra.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo,mukha at dibdib ang dalagita kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nakapiit parin ang suspek sa lock-up cell ng Midsayap PNP at nakatakdang sampahan ng kaso sa korte.(Bombo Garry Fuerzas)