BUTUAN CITY – Nilinaw ni PCaptain Jomar Gacosta, hepe ng pulisya sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur, na ang sobrang takot ang nag-udyok sa 18-anyos na dalaga na malaman ng lahat na ang kanyang first cousin ang nakabuntis kaniya, kung kaya’t itinapon niya ang kanyang anak malapit sa kanilang palikuran sa Sitio Aurora, sa Brgy. Johnson ng nasabing bayan.
Base ito sa kanilang interogasyon sa suspetsado, kungsaan takot ito sa posibleng gagawin ng kanyang mga magulang sa kanya.
Ngunit ayon umano sa ina ng suspek , hindi sana aabot sa naturang krimen kung nalaman lamang nila ang sitwasyon nito.
Giit ng mga magulang, wala silang alam na buntis ang kanilang anak dahil hindi umano nila nakitang lumaki ang tiyan nito at ganon din ang na-obserbahan ng kanyang mga classmates at mga guro.