-- Advertisements --
miami building florida

BACOLOD CITY – Umaasa ang international fashion designer na si Kirsten Regalado na may pag-asa pang matatagpuang buhay ang ama ng kanyang isang model na kabilang sa mga nakatira sa condominium complex na nag-collapse sa Surfside, Florida.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Regalado, ibinalita sa kanya ni Michelle Gierra na kabilang ang kanyang ama sa mahigit 150 residente na unaccounted hanggang ngayon.

Hindi pa matutukoy ng Pinay designer kung sa anong palapag ng 12-storey condominium nakatira ang ama ni Michelle.

Ang Champlain Towers South condo ay nakaharap sa beach at 40 minuto ang byahe mula sa bahay ni Regalado papunta rito.

Ito ay may swimming pool sa basement at nakitaan ng mga inspection engineers ng structural deterioration noong 2018 sa parking garage ngunit hindi naisagawa ang repair.

kirsten regalado
International fashion designer Kirsten Regalado

Umaasa naman ang international fashion designer na hindi na uulan upang hindi matigil ang search operations, kasunod ng thunderstorms kaninang madaling-araw kung saan isinasaalang-alang ang safety ng mga rescuers.

Sa ngayon, gumagamit ang mga otoridad ng dalawang malalaking crane, dalawang backhoe, mga rescue dogs, sonar, drones at infrared scanners sa mga pag-usisa sa mga debris sa 40-year-old building.

Binigyan na rin ang pamilya ng condominium residents ng accommodation malapit sa site upang makabantay ang mga ito at kaagad na makakakuha ng update ukol sa takbo ng search efforts.