-- Advertisements --
John Matthew Salilig

Nananawagan ang ama ng umano’y biktima ng hazing na si John Matthew Salilig sa ibang persons of interest na sumuko na sa mga awtoridad upang mas mapabilis na ang usad ng kaso.

Hiniling din ng ama ni John Matthew sa mga magulang ng mga suspect na isuko na ang mga ito sa awtoridad.

Ang pagsisiyasat ay nagpakita na si John Matthew ay dumaan sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity chapter noong hapon ng Pebrero 19 sa Laguna City.

Kung matatandaan, wala na umano sa magandang kondisyon ang biktima sa kalagitnaan ng seremonya at habang pauwi na sila sa Maynila ay mamatay ang si John Matthew.

Sa halip na dalhin sa ospital ang biktima, nagpasya umano ang mga suspek na ilibing ang kanyang bangkay sa Cavite.

Natagpuan ang katawan ni John Matthew sa isang mababaw na libingan sa Imus noong Pebrero 28.

Dagdag dito, pito sa mga suspects ay nasa kustodiya na ng pulisya at kasalukuyang iniimbestigahan, na kung saan haharap ang mga ito sa preliminary investigation sa Department of Justice.

Una na rito, ang umano’y driver ng gray na AUV na ginamit sa pagdadala ng bangkay ni Salilig ay natagpuang wala ng buhay sa Taguig City at napag-alamang ito ay nagpatiwakal.