DAGUPAN CITY – Labis ang kasiyahan ngayon ni Jail Supt. Roque Sison, Jail Warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Urdaneta, matapos na pumasa ang panganay na anak nito sa sa 2018 bar exam na kalalabas lamang ang resulta kahapon.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Sison, na bagamat noon pa man ay inaasahan na nilang papasa ang panganay na anak nitong si Atty. Sushen Sison, dahil ito talaga aniya ay dati na ng maaral, labis parin ang pasasalamat nito sa Panginoon sa pagsagot sa kaniyang panalangin at nagagalak sa tagumpay ng kaniyang anak lalo at nahirapan aniya ito sa asinaturang Math.
Nabatid na Atty. Sison ay nag-aral sa University of the Philippines (UP)-Baguio at itinuloy nito ang kan\yang abogasya sa University of Cordilleras (UC).
Inahayag pa ng nakatatandang Sison, na bagamat mapupunta subalit hinihikayat nito ang anak na maging kawani din ng gobierno katulad nito ay ipinapasakamay nito sa anak ang desisyon kung saan ito magtatrabaho.
Sinasabing mas mababa ang mga nakapasa sa 2018 bar examinations kumpara ng nakalipas na taon na umabot lamang sa 22.07 percent o kabuuang 1,800 ang pasado mula sa 8,158 examinees. ‘
Noong 2017 Bar exam nasa 25.5 percent ang pumasa.