-- Advertisements --

Pinakawalan na ng mga Colombian guerilla gorup ang ama ni Liverpool soccer star Luis Diaz na si Luis Manuel Diaz.

Ipinasakamay ng mga rebeldeng grupo si Diaz sa mga representatives ng United Nations at ng Simbahang Katolika sa Valledupar, Colombia.

Pinangunahan ni Mons Francisco Caballos ang obispo ng Riohacha at Mon. Hector Henao.

Ang dalawang obispo rin ang namuno ng humanitarian commission na siyang nangangasiwa sa pagpapalaya sa bihag.

Ayon naman sa United Nations mahigpit na nakipag-ugnayan ang kanilang political mission sa gobyerno ng Colombia, Simbahan at sa National Liberation Army guerilla group sa pagpapalaya kay Diaz.

Sinundo na si Diaz ng kaniyang pamilya sa Valledupar sa northeast part ng Colombia.

Magugunitang dinukot si Diaz noong Oktubre 28 habang kasama ang asaw nitong si Cilenis Marulanda habang nasa isang gasolinahan sa Barrancas.

Ikinatuwa naman ng kaniyang mga kaanak at maging ang Colombian government sa pagpapalaya sa ama ng football star.