BUTUAN CITY – Patuloy na binabaha nang pakikiramay ang pamilya Rusillon matapos mamatay ang mayor ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte na si late Mayor Jaime Rusillon.
Kasama sa mga nagpaabot nang pakikiramay ang local government sa bayan ng Del Carmen sa pangunguna ni Mayor Alfredo “Jr” Coro II.
Napag-alamang si dating Mayor Rusillon ang instrumento sa pagkakabuo ng unang water district sa Siargao at ng Siargao Electric Cooperative, kasama na ang pag-develop sa Siargao Tourism hanggang sa ito ay naging “Number 1 Tourism Island Destination” ng Asya,
Namahala rin siya sa General Luna at Siargao Island mula noong taong 1970s hanggang sa kasalukuyan.
Pinasalamatan din siya ng kanyang mga constituents dahil sa pagsisikap at sakripisyong kanyang ginawa makilala lang ang isla ng Siargao sa mga surfers at mga turista.
Kaya naman ito ang naging daan upang kilalanin siyang “Father of Philippine Surfing.”