-- Advertisements --

Humingi nang pagdarasal si Angel Locsin matapos na dapuan ng COVID-19 ang ama nito.

Sa kaniyang social media ibinahagi ng actress ang larawan ng 94-anyos na ama habang nakasakay sa ambulansya.

Hinikayat niya ang mga followers na huwag mawalan ng pag-asa lalo sa panahon ng pagsubok.

Nagpaabot naman ng pagdarasal ang kapwa nitong artista gaya nina Amy Perez, Dimples Romana, Judy Ann Santos, Bianca Gonzales, Bubbles Paraiso at maraming iba pa.