-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang pagpanaw ng kanyang ama, ayon sa mga ulat ngayong Huwebes, Marso 6, 2025.

Wala pang ibang inilalabas na detalye ukol sa kanyang pagpanaw ang ibinahagi ngayon sa media.

Nababatid na simula noong huling bahagi ng 2022, nagkaroon ng social media hiatus si Angel.

Gayunpaman, noong Marso ng parehong taon, nag-upload siya ng isang emosyonal na vlog sa YouTube na pinamagatang ”Conversations With My Father,” bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-95 na kaarawan ng kanyang ama.

Sa vlog, tinanong ni Angel ang kanyang ama tungkol sa kanyang 95 taon na experience. Tumugon naman ito ng, ”Very satisfactory,” at dagdag pa na, ”I think I lived an excellent life,” habang inaalala ang mga karanasan niya, kabilang ang pamumuhay noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas.

Ang ama ni Angel ay naging bulag nang mahigit dalawang dekada dahil sa katarata at retinal detachment nito.