-- Advertisements --

Labis ang pagluluksa ngayon ng actor na si Erik Santos matapos ang pagpanaw ng kaniyang ama.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang malungkot na balita na pumanaw ang amang si Renato nitong Agosto 10.

Ang pagpanaw ng ama ay halos isang taon ng namayapa ang kaniyang ina.

Hindi na binanggit ng singer ang sanhi ng kamatayan ng ama.

Agad naman na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga kasamahan sa industriya matapos mabalitaan ang pagpanaw ng ama ng singer.