-- Advertisements --

Agaw-pansin ang ama ni Olympics Golden Boy Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo, sa pag-aabang nito sa heroes’ parade nitong Miyerkules ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Ang grupo ng nakatatandang Yulo ay gumawa pa ng banner na may nakasulat na “Caloy nandito papa mo.”

Binuhat naman ng ibang nanonood si Mark nang dumaan sa tapat nila ang convoy.

Nakita iyon ni Carlos at dalawang beses na sumaludo.

Matatandaang hindi namataan sa Villamor Airbase ang pamilya Yulo, maging sa Palasyo Malacanang, para sa pagdating ng tinaguriang Golden Boy ng bansa, kasama ang mahigit 20 iba pang mga atletang lumaban sa Paris, France.