-- Advertisements --

Itinanggi ng ama ni James Reid ang lumabas na balitang tuluyan ng niyang nilisan ang Pilipinas.

Ayon kay Malcom Reid na kaya nagtungo sa US ang actor ay dahil may mga dadaluhan itong mga pagpupulong ukol sa kaniyang music career.

Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito sa ng larawan kasama ang actor-singer na anak habang sila ay nasa Ninoy Aquino International Airport.

Hindi naman binanggit ng ama nito kung kailan ang pagbabalik ng anak sa Pilipinas.

Magugunitang lumabas ang spekulasyon na lilisan na ni James ang bansa matapos na inhatid siya ng mga kaanak sa paliparan.