-- Advertisements --

Pumanaw na si dating NBA player Joe Bryant ang ama ng namayapang Hall of Famer Kobe Bryant sa edad na 69.

Ayon sa kampo nito na nagkaroon ng problema sa kalusugan ang nakakatandang Bryant at makailang beses na rin itong nai-stroke.

Si Joe o may palayaw na “Jellybean” ay first-round pick ng Golden State Warriors noong 1975.

Bukod sa Warriors ay naglaro din ito Philadelphia 76ers , San Diego Clippers at Houston Rockets bago nagtungo sa ibang bansa.

Mula 1983-1991 ay naging matagumpay ang basketball career nito sa Europa at sumikat sa ilang Italian basketball organization.

Mayroon itong 8 points average, apat na rebounds at dalawang assists sa kada laro sa NBA.

Matapos ang paglalaro sa NBA ay naging head coach ito ng Los Angeles Sparks ng WNBA mula 2005-2007 at 2011.

Ikinasal ito kay Pam Cox noong 1975 at ipinanganak si Kobe noong 1978 at naging NBA star.

Magugunitang noong Enero 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan ni Kobe kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.