-- Advertisements --

Nahaharap sa batikos ang ama ni Lady Gaga dahil sa paghingi sa publiko ng $50,000 para mabayaran ang mga empleyado nito sa restaurant.

Sinimulan ni Joe Germanotta ang GoFundMe campaign nitong nakalipas na Biyernes para makalikom ng pera sa mga empleyado nito sa negosyo niya na kainan sa New York.

Nagsara ang Joanne Trattoria restaurant dahil sa ipinatupad na lockdown kung saan 30 mga manggagawa ang inalis sa trabaho.

Dahil sa nasabing post, marami ang nagalit at bakit kailangang pa nitong humingi ng pera sa publiko.

Maari aniya siyang humingi ng tulong sa anak nitong singer na nakasama sa listahan ng Forbes bilang richest celebrity.