-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang isang ama matapos na pagsasaksakin ng kanyang sariling anak sa Brgy. Nabitasan, Leganes Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Alyas Remy samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Alyas Boboy.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Roy Tayona, hepe ng Leganes Police Station sinabi nito na nagalit si Alyas Boboy matapos na sawayin ng kanyang ama na si Alyas Remy na huwag turuan ng masamang gawain ang kanyang mga pinsan.

Ayon kay Tayona, dalawang buwan palang ang nakakalipas magmula nang makalabas ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology, sa Pototan,Iloilo.

Sa ngayon nasampahan na ng kasong Parricide si Alyas Boboy at nakakulong na sa Leganes Police Station.