ILOILO CITY – Labis ang pagsisisi ng anak na pumatay sa sarili nitong ama sa San Joaquin, Iloilo.
Ang biktima ay si Loreto Nacion, 68 at ang suspek naman na anak nito ay si Joemart Nacion, 30, pawang residente ng Brgy, Ginot-an, San Joaquin, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Chief Master Sgt. Samuel Cescar Jr, imbestigador ng San Joaquin Municipal Police Station, sinabi nito na inamin mismo ng anak ang krimen.
Ayon kay Cescar, sinampahan na ng kasong parricide ang suspek kung saan ang pinakamatibay na ebidensya ang pag-amin nito sa krimen.
Kinumpirma rin ng pulis na lasing ang suspek ng gawin ang krimen.
Una rito, nagpaalam ang anak na mamasyal, ngunit hindi siya pinayagan kung kaya’t nagtalo sila ng kanyang ama.
Unang kumuha ng itak ang ama hangga’t sa naagaw ito ng anak.
Dito na at tinaga ito ng kanyang anak hanggang sa mamatay.