-- Advertisements --

ILOILO CITY-Patay ang isang ama matapos binaril sa harap mismo ng kanyang mga anak sa loob ng kanilang bahay sa Zone 3, Brgy Boulevard, Molo, Iloilo City.

Ang biktima ay si Armando Samson,60, residente ng nasabing barangay habang ang suspek naman ay si alias “Nonoy” Catalan , 60, residente ng Zone 1, Brgy Boulevard, Molo, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Annabelle Parreño, bayaw ng biktima,sinabi nito na bago ang insidente, pumunta ang suspek sa bahay ng biktima upang maningil ng utang ngunit walang maibigay na bayad ang biktima.

Doon na uminit ang sagutan sa pagitan ng dalawa.

Umuwi ang suspek at nang bumalik,may bitbit na itong armas at binaril ang biktima ng makailang beses na ikinasawi nito.

Kaagad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.