NAGA CITY- Arestado ang isang padre de pamilya dahil sa umano’y pang-aabuso at panggagahasa sa sariling anak at asawa sa Brgy. Poblacion, Guinyangan Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas “Barok” 53-anyos.
Sinasabing matagal na umano ang ginagawang pananakit ng suspek sa asawa kaya ng hindi masunod ng biktima ang utos nito umabot sa pagwawala at pagbabanta.
Maliban dito, umamin din ang menor de edad na anak na minsan na siyang ginahasa ng kanyang ama.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Department of Social Works and Development (DSWD) ang mga biktima.
Samantalang nahaharap naman sa kasong Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o R.A. 9262 at Stronger Detterence and Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination o R.A. 7610 ang nasabing suspek.