TACLOBAN CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos gamitan nang itakin ng kanya mismong anak sa Rainbow Village, Brgy. 84, Manlurip, San Jose, Tacloban.
Ayon kay Major Jesusrico Esoy, station commander ng San Jose Police Station 1, kinilala ang biktima na si Jaime Odevilas, 51, at ang suspek na anak mismo nito ay si Jomar Odevilas, 19.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek habang nagse-celebrate ng kapiyestahan sa kanilang lugar ng sawayin ng biktima ang kanyang anak na babae dahil sa pag-alis-alis nito.
Dinepensahan naman ng suspek ang kanyang kapatid na babae na sinasaway ng kanilang tatay na naging dahilan ng pagkakaroon nila ng mainitan na argumento.
Dahil sa kalasingan ay naging mas mainit pa ang away ng mag-ama dahilan para maungkat ang galit ng suspek sa biktima.