-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong attempted parricide sa Aklan Prosecutor’s Office ang isang 69-anyos na ama matapos tagain ang sariling anak dahil sa quarantine pass sa Barangay Jumarap, Banga, Aklan.

Ang suspek na si Benedicto Meneses Sr., 69, residente ng naturang lugar ay na-inquest kaninang umaga at kasalukuyang nakapiit sa Aklan Rehabilitation Center.

Matapos magamot ang sugat sa likod ng biktimang si Babylon Meneses, 40, agad itong nakalabas sa Aklan Provincial Hospital.

Ayon kay Police Staff Sergeant Danilo Dalida ng Banga Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama nang komprontahin ng lasing na suspek ang anak kung bakit sa kanya ipinangalan ang inisyung quarantine pass para sa kanilang pamilya.

Giit ng biktima na hindi ito pwede sa kanya dahil senior citizen na siya.

Dahil dito, nagalit umano ang kanyang ama at bigla siyang tinaga habang kumakain na tinamaan sa kanyang kanang tagiliran.

Sa mabuting palad ay nakailag umano siya dahilan na hindi napuruhan.

Nasa P72,000 ang itinatalagang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.