CAGAYAN DE ORO CITY- Umiiyak sa loob ng piitan ang isang ama matapos itong hinuli ng pulisiya dahil sa pagmolestiya umano sa kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa Barangay. Macabalan dito sa lungsod.
Ang suspek tinago lamang sa pangalang Leonardo, 31, may asawa at residente ng nasabing barangay.
Hinuli ng mga operatiba ng Macabalan Police Station ang suspek dahil sa reklamo ng lola ng batang biktima.
Batay sa reklamo ng lola, namamaga umano ang ari ng bata at tinuturo nito ang ama na siyang gumalaw dito.
Ayon sa lola, mismo ang bata umano ang nagsabi na ang kanyang ‘papa’ ang gumalaw sa kanyang ari.
Ngunit sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, nangiyak-ngiyak na itinanggi ni Leonardo na kanyang ginalaw ang ari ng bata.
Mahal umano nito ang kanyang anak at hindi niya magawa ang ganong kahalayan.
Napag-alaman na nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa labas ng bansa ang ina ng bata.
Inihanda na sa ngayon ng pulisiya ang kaukulang kaso laban sa suspek.