-- Advertisements --
image 136

Napanatili ng bagyong Amang ang taglay nitong lakas sa nakalipas na magdamag.

Ngunit inaasahang hihina na ito mamaya bilang isang low pressure area na lamang.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Vinzons, Camarines Norte.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Nakataas ang signal number one sa mga sumusunod na lugar:
Camarines Norte, northwestern portion ng Camarines Sur (Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Lupi, Ragay, Del Gallego), eastern portion ng Laguna (Cavinti, Kalayaan, Paete, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Lumban, Pakil, Mabitac), northern at eastern portions ng Quezon (Calauag, Infanta, Lopez, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Guinayangan) kasama na ang Polillo Islands, eastern portion ng Rizal (Tanay, Rodriguez), eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad), eastern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, General Tinio), central at southern portions ng Aurora (Dingalan, Baler, Maria Aurora, San Luis, Dipaculao).

Sa monitoring ng Bombo Weather Center, inaasahang magkakaroon ng ikatlong landfall ang bagyo sa lalawigan ng Quezon, bago ito tuluyang hihina bilang low pressure area.