-- Advertisements --

Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113.

Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line.

Liban nito nagtala rin si Curry ng 10 assists at seven rebounds sa kanyang all-around game dahilan upang tawagin siya ng kanilang head coach na si Steve Kerr bilang “stunning and amazing performance.”

Hindi rin napigilan ng mga fans na bumilib sa nakakamanghang performance ni Curry hanggang sa ipinagsigawan nila ang “MVP,” “MVP!”

Sa edad na 30-anyos, nalampasan na ni Curry ang NBA legend na si Wilt Chamberlain dahil sa kanyang record na 50 points sa 10 games.

Sa ngayon may best record na ang Warriors na may siyam na panalo at isa pa lamang na talo.