Tahasang pinaratangan ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang France dahil sa di-umano’y pagtrato ng nasabing bansa sa Brazil bilang parte ng kanilang kolonya.
Kasabay nang pagtatapos ng Group of 7 summit, inanunsiyo ni French President Emmanuel Macron ang kanilang napagkasunduan na tulong pinansyal para sa Amazon rainforest.
Mahigit dalawang bilyong piso o $22m ang ibibigay umano na donasyon ng mga bansang kasapi ng G7 summit na binubuo ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at United States.
Sa kabila ng pagmamagandang loob ng mga nabanggit na bansa, mariing pinanindigan ni Bolsonaro na hindi nito tatanggapin ang kahit anong tulong na magmumula sa kahit anong nasyon.
Ayon pa kay Macron, gagamitin ang pondong ito bilang pambayad sa mas maraming fire-fighting planes na kanilang rerentahan upang tumulong sa pag-apula ng apoy sa naturang gubat.
Kamakailan lamang nang ipag-utos ni Bolsonaro ang pagpapadala sa halos 44,000 sundalo upang tumulong sa pagsalba ng gubat. Nakahanda na rin umano ang military operation ng bansa upang tumugon sa hinihinging tulong ng mga local governments.