-- Advertisements --
Pinangunahan ni Leonardo DiCaprio ang panawagan sa kapwa nitong mga artista sa Hollywood na magbayanihan para tuluyang maapula ang sunog na nagaganap sa Amazon rainforest.
Bumuo na rin ang actor ng Amazon Forest Fund sa pamamagitan ng kaniyang Earth Alliance at naglaan ng $5 million.
Nanawagan din ang actor sa kaniyang mga fans na magbigay ng donasyon.
Nauna nang naglaan ng $22 million ang ilang bansa na dumalo sa G7 Summit na ginanap sa France.