Ikinaalarma ng ilang mga lider ng Europa ang nagaganap na Amazon wild Fire sa Brazil.
Inakusahan tuloy ni French President Emmanuel Macron si Brazilian President Jair Bolsonaro sa hindi seryoso sa paglaban sa climate change at ang pagprotekta sa Amazon forest.
Suportado din ni Macron ang naging pahayag ni German Chancelloer Angela Merkel na dalhin ang nasabing usapin sa gaganapin Group of 7 o G7 Summit na gagawin sa mga susunod na araw sa Biarritz, France.
Dahil sa naganap na malawakang pagkasunog ay itinigil pansamantala ng Norway at Germany ng pagbibigay ng tulong na $1.2 billion sa Amazon conservation program dahil sa kapabayaan ng gobyerno ng Brazil.
Maging ang tagapagsalita ng European Union ay nababahala sa nasabing pagkasunog ng Amazon rainforest.
Sinabi din ni United Nations secretary-general Antonio Guterres na sa panahong nakakaranas ng global climate crisis ay hindi na dapat nating payagan mawala pa ang pinagkukuhanan natin ng oxygen.
Naninindigan ang Brazilian president na sinadya ang nasabing sunog ng nongovernmental organization para sirain ang kaniyang administrasyon.